-Wala siyang superpowers. Hindi siya lumilipad. Isa lang siyang: Simpleng tao. Simpleng estudyante. Simpleng babaeng nagmamahal at nasasaktan din. Mahilig sa mga banat. May malikhaing pag-iisip. Mahilig sa musika at sining. Mahal niya ang pagsusulat. Nangangarap na maging isang Ekonomista balang araw. In short, Isa siyang superwoman sa paraang alam niya. Sa paraang makapagpapasaya siya ng mga taong nasa paligid niya. Nagtataka ka ba kung sino siya? :) Malamang. Tawagin nalang natin siyang THEI. E kung di ka pa kuntento, subukan mong manaliksik at baka mahanap mo ang tunay niyang pangalan. Ang tunay niyang katauhan. ( HAHAHA! )
-Masyado ng korni. Pasensya. :)
joke. eto nalang muna :>
Thei Dumpit | 19 years ng nabubuhay sa mundo mo. PROUD PINAY :)
MONDAY! Chinese new year nga ngayon. Walang pasok. Free day. Ang saya. Pero omg. Gumising na sa realidad. Imbes na magsaya at maglakwatsa at makasama kina mama sa SM mamaya. Waley na waley. Kelangan kong magreview para sa eksam ko bukas. ACCOUNTING 201 pa. MYGAAAASH. di pa ako nakakareview. Chapter 7-9 pa. Notes Receivable,Loans Receivable at Receivable Financing! Pamatay talaga ang mga receivable chorbs na yan :( Minsan naisip ko bakit ko pa kinuha tong course na to :( joke :))) Pero oo. oo talaga. Kelangan kong magreview para may chance naman akong makakuha ng mataas na marka at mapabilang sa mga nangunguna sa klase at makaupo sa harap. HAHAHA. ambisyosang bakla! :)) Osige bbye muna tumblr moves. Kelangan ng effort dito :) Tulungan niyo akowww! :)